About Us

Company Logo Company Logo

Itinatag kami noong ika-17 ng Oktubre, 1994 bilang isang lending company na nagsisilbi para sa mga SSS at GSIS pensioners. Nakapagbukas na kami ng ilang sangay sa Metro Manila at sa mga pangunahing lungsod sa probinsya tulad ng Baguio, Dagupan, at Naga City.

Ayon sa panuntunan ng SEC sa ilalim ng Republic Act 8556, o Finance Company Act of 1998, kinailangan na ang lahat ng lending companies ay maging financing corporation. Kaya naman napagdesisyunan ng mga namumuno sa kumpanya na gawing Financing Corporation ang aming kumpanya, at dito ipinanganak ang New Horizon Finance Corporation (NHFC). Mayroon din kaming sister company na tinatawag na Golden Treasure Lending Investors Corporation (GTLIC), na naitatag naman noong Oktubre 5, 2006, at may anim na sangay sa Metro Manila at Luzon.

Ang pangunahing layunin ng korporasyon (NHFC) ay ang magpalawig ng mga pasilidad ng pagpapautang ng direkta o tuwiran sa mga SSS at GSIS na mga pensioners na may pangangailangang pinansiyal.

Sa kasalukuyang taon, ang NHFC ay mayroon nang labing-pitong (17) sangay samantalang ang GTLIC ay mayroon nang limang (5) sangay, sa iba’t ibang siyudad at probinsya. Ang aming punong tanggapan ay matatagpuan sa #606 Pinaglabanan St., Brgy. Pedro Cruz, San Juan City, Metro Manila.

Overlay

Our Achievements

Ang komunidad ng New Horizon Finance Corporation ay lumalago — patuloy na nagsisilbi sa mga pangangailangang pinansyal ng mga pensionado.

Clients

May mahigit 12,000 Kliyente

Loans

Mahigit Kumulang
2,000 Pensioners ang Natutulungan Kada Buwan

Years

Ipinagdiriwang ang 31 Taon ng Kahusayan

Our Credo

Responsibilidad namin ang aming mga kliyente. Sa pagtugon sa pangangailangan ng aming kliyente, sinisiguro namin na may pinakamataas na kalidad ang bawat serbisyong aming ibibigay. patuloy naming pinagsisikapan na mapaglingkuran ang aming mga kliyente nang mabilis at tama.
Responsibilidad namin ang aming mga empleyado. Sila ang aming pinakamahalagang yaman, kaya't nararapat lamang silang pakitunguhan nang may paggalang. Inaasahan ding magpakita ng paggalang at kagandahang-loob ang bawat kawani sa kanilang mga pinuno, nakatataas, mga katuwang, at gayundin sa mga nasasakupan.
Nag-o-operate kami nang may pinakamataas na antas ng integridad. . Mahigpit naming sinusunod ang tamang mga alintuntunin sa pagpapatakbo ng aming negosyo. Sa integridad lamang namin mapapalaganap ang propesyonalismo sa loob ng aming kompanya. Naniniwala kami na sa pamamagitan nito, makakamit namin ang tiwala ng aming mga kliyente at buong pagmamalaki naming itatanghal na maging bahagi kami ng New Horizon Finance Corporation.
Lubos kaming umaangkop sa pangangailangan ng aming mga kliyente, empleyado at shareholders. Sa pagsisikap na maunawaan ang inyong personal at propesonal na pangangailangan, handa kaming magbigay ng mga makatarungan at sapat na insentibo.
Matapat sa aming Pilosopya. Tanging mga taong sumasang-ayon at sumusunod lamang sa pilosopiya aming mga empleyado ay maglilingkod nang buong sipag upang matiyak na ang proseso ng aming pagpapautang ay kumbinyente. Ito ay isang matibay na pilosopiya at prinsipyo ng korporasyon na hindi rin namin kailanman ikokompromiso.

Our Mission

  • Layunin namin na magbigay ng credit facilities sa mga konsyumer sa pamamagitan ng Direct Lending.


  • Nakatuon kami sa pag-unawa sa pangangailangan ng aming mga kliyente, pagsusuri sa aming mga produkto at serbisyo, at pag-aalok ng mga tamang package na angkop sa kanilang kalagayang pinansyal. Hindi namin inaalok ang mga produktong alam naming hindi makatutugon sa pangangailangan ng aming mga customer.


  • Pinangangalagaan namin ang lahat ng ating mga financial accounts nang may pinakamataas na antas ng propesyonalismo at kasanayan upang mapanatili ang tiwala ng aming mga kliyente.


  • Isinusulong namin ang pag-unlad ng mga komunidad kung saan kami nag-ooperate sa pamamagitan ng pagbibigay ng responsableng serbisyong pinansyal sa mga karapat-dapat na indibidwal, tulad ng credit facilities. Nagbibigay din kami ng panandaliang mentorship programs at gabay sa mga sustainable na pamamaraan ng negosyo.

Testimonials

Katuwang sa pag-ginhawa at pag-unlad, laging nandito at hindi mawawala para sa inyo ang New Horizon Finance Corporation. Panoorin at basahin ang testimonya ng aming mga kliyente.

Dahil sa Golden Treasure Lending taos-puso po akong nagpapasalamat dahil napakalaking tulong sa aking pamilya lalo na sa mga apo kong nag aaral. Sana patuloy parin ang paglilingkod sa mga pensioners.

– Mrs. Macadangdang, Edna

10/10 star po para saakin ang NHFC dahil mababait naman po silang lahat at hindi masungit, pag may tanong ako sagot po sila agad at ok naman po yung pamamalakad nila

– Mrs. Abalos, Rose Mary

Ang Golden Treasure ay malaking tulong sa mga nagsasanla ng kanilang ATM. Nakakatulong sa mga katulad naming nangangailangan ng tulong pinansiyal. Salamat sa mga tauhan ng Golden Treasure mababait at tumutulong sa lahat ng nangangailangan.

– Mrs. Aquino, Teresita

First Time ko mag loan pero ginabayan nila ako sa bawat step. Dahil sa inyo may naging pambayad ako sa tuition ng anak ko. Sobrang thankful ako. Hindi lang kayo basta lending company, ramdam mo ang malasakit.

– Mr. Monterde, Melchor