Services

Frequently Asked Questions (FAQs)

Sino ang maaaring mag-APPLY ng loan?

Ang mga kwalipikadong mag-apply ay mga pensyonado ng SSS at GSIS na may roong buwanang pensyon at may edad na hindi aabot sa 80 taong gulang.

Ano ang mga kinakailangang DOKUMENTO para sa SSS at GSIS pensyonado?

Para sa SSS:

  • DDR Voucher
  • ATM Card / Passbook
  • 2 Valid ID’s
  • Utility Bill
  • Marriage Contract (para sa mga kasal)
  • Birth Certificate (para sa dependents)

Para sa GSIS:

  • Pensioner’s Certificate
  • Bank Statement
  • ATM Card / Passbook
  • 2 valid ID’s
  • Utility Bill
  • Marriage Contract (para sa mga kasal)
  • Birth Certificate (para sa dependents)

Hanggang MAGKANO ang maaaring utangin?

Ang maaari mong utangin ay nakadepende sa iyong natatanggap na buwanang pensyon.

Kailangan bang PERSONAL ang pag-apply ng loan?

Oo, upang maiwasan ang mga SCAM, hinihikayat namin na personal na magtungo sa aming opsisina upang personal na mag-file ng loan.

Kailangan ba ng PERMANENTENG tirahan?

Oo. Dapat ay may permanenteng tirahan sa loob ng hindi bababa sa anim (6) na buwan. Kung nangungupahan o nakatira kasama ang pamilya, dapat ay hindi bababa sa isang taon at kailangang magbigay ng co-maker na may permanenteng address na hindi rin bababa sa anim (6) na buwan at may sapat na kita.

Paano ko BABAYARAN ang aking buwanang hulog?

Maaari kang magbayad sa pamamagitan ng iyong ATM Card na ginamit bilang kolateral, kung saan pumapasok ang inyong buwanang pensyon.

Mga Hakbang Para Makapag-Apply ng Loan

1
Ihanda ang mga kinakailangang dokumento.

Isumite ang mga kinakailangang dokumento para sa iyong loan application.

2
Susuriin ang lahat ng dokumento na iyong isinumite.

Layunin nito na tiyakin na tama at kumpleto ang lahat ng mga kinakailangang impormasyon.

3
Pumunta sa pinakamalapit na branch sa iyong lugar.

Mag-fillout ng application form. Ilagay ang kumpleto at malinaw na personal na impormasyon. Itala ang halaga ng uutangin at termino ng loan.

4
Negosasyon para sa loan amount at duration.

Pagkatapos masuri ang mga dokumento, puwedeng magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng borrower at ng company tungkol sa halaga ng loan, haba ng pagbabayad ng loan, interest rate at kaukulang charges ng loan.

5
Malalaman mo agad kung naaprubahan ang iyong loan.

Hindi mo na kailangan maghintay nang matagal, lalo ang bumalik pa sapagkat agad na ire-release ang loan mo sa loob ng parehong araw.

Loan Calculator

Gamitin upang i-compute at i-ayon ang Net Amount na maaring makuha kapag ikaw ay mag-loan.

Branch

Monthly Pension Amount

Terms

Loanable Monthly Payment Amount

Your Net Amount

Ito ay isang pagtantiya lamang. Maaaring magbago ang mga tuntunin, at maaari mong i-pinalisa ang mga detalye ng iyong loan sa ibang pagkakataon.